**********

Thursday, July 22, 2010

“ PACMAN” ~ Leon Quiaoit

Sa lahing Pilipino,
isa ka nang simbolo
Sa bawat panalo,
baya’y lumulukso
Hayagang sinabi,
sa bawat pagwawagi
Na para sa bayan,
ang alay mong laban

Ang mga tigasing,
nakaharap sa ring
Ang kamao ng bayan,
ay kanilang natikman
Mga mata’y umiikot,
katawa’y kumikislot,
Ouch, oooops, aray,
hapdi'y lumalatay

Ang mga katunggali,
pangarap ding iuwi
Korona’t tagumpay,
kanila ring inaasam
Kaya’t pakaingatan,
ang natamong tagumpay
Mga mata ay talasan,
at baka matsambahan

Sa susunod mong laban
ay asahan mo Pacman
nasa likod mo ang baya't
Inspiradong sambayanan

No comments: