"Sagisag ng Lahi"
Kung ika'y Pilipino...
wag sanang hayaan
sumapit dapithapon
at lubugan ng araw
Katawa'y humihina
ang buhay maiksi
gayon din ang alab
sa lamig pumapanglaw
Kung ika'y Pilipino
ay hahayaan ba?
di man nadampian
ng kalyadong mga kamay
Ang paalalang iniwan
ng ating Kasaysayan
Sumagi ba sa isipan
na kahit minsan lang?
na may simbulong
sagisag ang lahi mo?
Ang kulay niya'y
asul, pula't puti
may tatlong estrelya't
araw ng pag-asa
Ang tela niya'y dinilig
ng pawis at luha
buhay at dugo
inialay sa kanya
O lahing kayumanggi
ika'y magpunyagi
at huwag isantabi
ang sagisag ng lahi
No comments:
Post a Comment