**********

Showing posts with label LIKHA by Leon Quiaoit. Show all posts
Showing posts with label LIKHA by Leon Quiaoit. Show all posts

Tuesday, July 13, 2010

"LIKHA"~ Leon Quiaoit

Maingat hinahaplos...
ang puso'y binubuhos
Masining hinuhubog
ang likhang iniirog

Sa papel sinisipi
ang kathang hinahabi
Salita'y gumagalaw
damdami'y pinupukaw

Putik na kinukurba
sa palad minamasa
Mga daliring may mata
ang istatwa'y huminga

Mga kulay tinitimpla
mga hugis pinipinta
Sa hagod ng pulso
larawa'y naging obra

Learn about Leon Quiaoit