**********

Tuesday, December 21, 2010

2010 ~ Leon Quiaoit

Ang pagluha ba'y isang kahinaan
O siyang kulang sa pusong naririmlan
Kapag nag-iisay walang ngingitian
At doo'y kakausapin ang puso't isipan
Ano ba ang gagawin ng pusong sugatan
Saan ba tutungo isipang lumulutang
Pinanghihinaan ma't
Sigla ay naparam
At wala sa tabi
Ang lakas na katuwang
Pipiliting hanapin
Ang landas ng dahilan 
Susuunigi't tatawirin
Matarik na akyatin
Bibigyan ng dahilan
pagbango't paghakbang

No comments: