**********

Thursday, July 22, 2010

" Makata " ~ Leon Quiaoit


Tula ay salamin
ng diwang umaamin
tunay na adhikain
di kaya ng takipsilim

Apoy sa ting dibdib
ay hangaring kinikipkip
hayaang kumawala
at daanin sa tula

Dahil sa ilang tulang...
nilikha ng makata
namulat, nagising
ang mga bayani natin

No comments: