**********

Thursday, July 22, 2010

" Kalinga " ~ Leon Quiaoit

Kaytagal nalimahid,
sa putik at luha.
Kaytagal narimarim,
at nangapa sa dilim.
Sa hamog ng umaga,
karton ang panangga.
Sa buhos ng ulan,
ay kakaba kaba.

O mayroon bang lugar,
Ang bawat nilalang?
Mayroon bang puwang,
sa bawat pangarap?
Mayroon bang nasasaktan,
sa inyong katayuan?
O mayroon bang pag asa
sa Lupang Hinirang?

Ginawad na kalinga,
ng mga pinagpala.
Sa dahop na palad,
nagsilbing himala.
Mayroong paraiso,
sa pusong makatao.
Mayroong pagasa,
sa pagkakaisa

No comments: