**********

Saturday, July 17, 2010

"Diploma" ~ Leon Quiaoit

Anak ko gising na
at salubungin ng ngiti
ang bagong umaga
mainit na almusal
ay nakahain na
may'ron ding pandesal
na pabalot iyong nanay

Anak ko lakad na
at masiglang ihakbang
ang iyong mga paa
ihanda ang sarili
patungo sa eskwela
pagyamanin isipan
mga guro'y pakinggan

Anak ko alam mo
ang iyong nilalandas
ay para sa'yong bukas
Malugod na timbangin
ang mga gawain
at mga tungkuling
kailangang pasanin

Anak ko alam ko
isang araw darating
bitbit mo ang ngiti
at diplomang minimithi
~*~

No comments: